Anibersaryo ng Edsa sa Cebu gaganapin
MANILA, Philippines - Ang Pangulong Benigno Aquino lll ang manguÂnguna bukas sa pagdiriwang ng ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power 1 na gaganapin sa Cebu City.
Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., ang tema ng pagdiriwang ay “EDSA 28: Kapit-bisig tuÂngo sa Pagbangonâ€.
“Magiging katangi-tangi ang pagdiriwang ngayong taon sapagkat ito ay gaganapin sa labas ng kalakhang Maynila at magtutuon sa mga lugar na lubhang naapekÂtuhan ng mga nagdaang kalamidad. Ang tradisyunal na “Salubungan†o ang taunang pagsasadula ng pagkikita ng militar at sibilyan sa EDSA ay isasagawa sa Kapitolyo ng lalawigan ng Cebu,†wika pa ni Sec. Coloma.
Aniya, ang lalawigan ang siyang naging tanggulan at balwarte ng oposisyon noong panahon ng Martial Law kung saan namalagi si dating Pangulong Corazon Aquino noong ganap na tumiwalag ang militar sa pamunuan ni Pangulong Marcos.
“Bago doon sa salubungan na gaganapin sa Martes ng umaga, ang Pangulo ay magtutungo sa Cateel, Davao Oriental na nasalanta noong Super Typhoon Pablo noong December 2011 upang alamin ang progreso ng rehabilitasyon at pagbabagong tatag ng komunidad doon,†dagdag pa ni Coloma.
Magtutungo rin ang Pangulo sa Loon, Bohol para magdaos ng isang pulong-bayan upang alamin ang sitwasyon ng mamamayan, 4 na buwan matapos silang makaranas ng 7.2 na Lindol.
“Pagkatapos ng Salubungan sa Kapitolyo ng Cebu, magtutungo rin ang Pangulo sa Bantayan Island na isa sa mga lugar sa lalawigan ng Cebu na nasalanta ng kalamidad at mula doon ay magtutungo siya sa Guiuan, Eastern Samar at sa Tanauan, Leyte. Dadaan din sa proyekto ng Department of Health sa Tacloban bago lumisan sa Tacloban sa Martes,†paliwanag pa ni Coloma.
- Latest