^

Police Metro

Nagsungit: Mister tigok sa suntok

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang isang 56 na taong gulang na mister makaraang suntukin ng isang  kargador na kanyang pinagsungitan sa Pier 18, Vitas, North Harbor, Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nasawi habang ginagamot sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si  Gonzalo Laparan, checker ng Vitas Port Arrastre Corporation.

Arestado naman sa mga tauhan ng Manila Police District-Homicide Section ang suspek na si  Raymund Dela Rosa, 30, kargador at residente ng  #274 Simeon de Jesus, San Rafael Village, Navotas.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista, nabatid na dakong alas 7:46 kamakalawa ng gabi,   nang maganap ang insidente sa loob ng Pier 18.

Nag-ugat umano ang panununtok ng suspek sa biktima nang magtanong ito kung saan kukunin ang mga  bubuhating produkto na ikakarga sa kanilang truck.

Sa halip na ituro ng biktima ay masungit umanong sumagot na “ang tagal-tagal mo na dito hindi mo pa alam kung saan”.

Nangatwiran umano ang suspek at sinabing  “first time ko lang dito kaya hindi ko pa alam”.

Pero hindi parin sumagot ang biktima bagkus ay tinalikuran niya ang suspek kaya sinundan siya nito at binigwasan ng malakas na suntok na ikinabagsak ng biktima sa sementadong kalsada.

Patihaya umanong bumagsak ang biktima kaya nabagok ang ulo at mabilis na isinugod sa pagamutan pero nalagutan din ng hininga habang ito ay ginagamot dahil sa namuong dugo.

ARESTADO

GONZALO LAPARAN

JONATHAN BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY JOHNSTON HOSPITAL

NORTH HARBOR

RAYMUND DELA ROSA

SAN RAFAEL VILLAGE

VITAS PORT ARRASTRE CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with