^

Police Metro

Truck ban sa Maynila tuloy na

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tuloy na ang pagpapatupad ng truck ban sa Lunes (Pebrero 24) alinsunod sa ordinansang ipinasa ng konseho ng lungsod ng Maynila.

Subalit, magkakaroon ng ‘window hours’ sa pagpapatupad ng truck ban na simula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng  umaga kung saan magkakaroon ng â€˜window hours’ mula 10:00 ng umaga hanggang  alas-3:00 ng hapon.

Sa nasabing ‘window hours’ papayagan ang mga truck na makabiyahe at muli na namang itutuloy ang oras ng truck ban  mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi at  maaari na  ring  makabiyahe ang mga truck sa kahabaan ng Roxas Boulevard patungong Quirino Avenue na una nang ipinagbawal. Ipinaliwanag ni Diego Cagahastian, Media Information Bureau chief na  consession ay lumitaw matapos ang pagpupulong nila Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno sa mga opisyal at kinatawan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Metro Manila Development Authority, Truckers Associations, Local  Govern­ment Units o LGUs at maging ang Commission on Human Rights o CHR.

 

 

DIEGO CAGAHASTIAN

HUMAN RIGHTS

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MEDIA INFORMATION BUREAU

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

QUIRINO AVENUE

ROXAS BOULEVARD

TRUCKERS ASSOCIATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with