Magkapatid na Fil-Algerian film makers nasagip sa Sayyaf
MANILA, Philippines - Nailigtas ng mga eleÂmento ng Philippine Marines at ng puÂlisya ang magkapatid na babaeng Filipino-Algerian film makers na naging bihag ng halos 8 buwan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa isinagawang operasyon sa bayan ng Patikul, Sulu kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni 2nd Marine Brigade Commander Col. Jose Johriel CeÂnabre ang mga nailigtas na biktima na sina NadÂjoua at Linda Bansil.
Ayon sa opisyal, napilitan ang mga bandidong Abu Sayyaf na abandonahin ang magkapatid nang mamataan ang presensya ng papalapit na tropa ng mga sundalo at ng pulisya bandang alas- 5:00 ng hapon sa bisinidad ng Sitio Cantatang, Brgy. BuÂngahinan, Patikul, Sulu.
Magugunita na noong Hunyo 22, 2013 ay nagtungo ang magkapatid sa Sulu lulan ng documentary film “Coffee Armaliteâ€, isang entry sa Cinemalaya Film Festival nang dukutin ang mga ito ng grupo nina Abu Sayyaf Sub –Commander Ninok Sapari at Ben Saudi sa Brgy. Bangkal Liang ng lalawigan.
Noong Hulyo 2013 ay humingi ang mga kidnapper ng P50 M kapalit ng pagpapalaya sa magkapatid na biktima.
- Latest