Trillanes kay Jinggoy: ‘Wag mag-blind items!
MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni Senator Antonio Trillanes IV si Senator Jinggoy Estrada na pangalanan ang ibang mga senators na umano ay nakapag-transaksyon kay pork barrel scam witness Ruby Tuason sa halip na magbigay ng mga “blind items.â€
“Sana sinabi niya kung sinu-sino ‘yun, para tayo kasing nagba-blind item dito e,†wika ni Trillanes.
Magugunita na sinabi ni Estrada noong Martes na nagtataka kung bakit siya at dating chief aide ni Atty. Gigi Reyes lang ang nabanggit sa affidavit gayung marami itong kaibigan na senador si Tuason na binisita nito at humihingi ng proyekto sa pamamagitan ng PDAF (Priority Development Assistance Fund).
Si Tuason, na isang socialite at dating Palace aide ay inamin na nagdeliber siya ng kickbacks mula umano sa pork barrel scam mastermind Janet Lim Napoles para ibigay kay Estrada at Reyes.
Samantala hiniling kahapon ni Estrada na ilabas na rin ang CCTV footages sa ika-5 palapag kung saan nag-oopisina ang mga senador upang makita kung sino pang mga senador ang pinuntahan ni Tuason at inalok ng proyektong pinondohan ng PDAF.
Nauna ng hiniling ni Estrada na ilabas ang CCTV footages sa 6th Floor ng Senado kung saan naroon ang kanyang tanggapan upang makita ang pagtungo ni Tuason sa kanyang opisina at kung ano ang dala nito.
- Latest