^

Police Metro

Tiyo utas sa pamangkin

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang 37-taong gulang na tiyuhin makaraang pagsasaksakin ng kanyang pamangkin nang sila ay mag-away sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nasawi habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Arnold Castillo, may asawa, messenger, nakatira sa  #707 Isla San Juan St., Gagalangin Tondo.

Agad naman tumakas ang suspek na si Domingo Valdez Y Castillo, 31, may asawa, walang trabaho at residente ng  #744 Isla San Juan, Tondo matapos ang insidente.

Sa ulat ni SPO2 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas-4:45 ng hapon nang masaksihan ng mga kapitbahay ang  pag-aaway ng dalawa.

Hawak umano ng biktima ang isang matigas na bagay na ipinapamalo sa pamangkin habang ang suspek ay patalim. Nang magkasalpukan ay napuruhan ng malalim na saksak ang biktima na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

 

vuukle comment

ARNOLD CASTILLO

DOMINGO VALDEZ Y CASTILLO

GAGALANGIN TONDO

HAWAK

ISLA SAN JUAN

ISLA SAN JUAN ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MILBERT BALINGGAN

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with