^

Police Metro

Sa 4-day school week... School officials, kokonsultahin ng DepEd

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na kokonsultahin nila ang mga school officials para alamin ang pananaw ng mga ito hinggil sa panukalang gawing apat na araw na lamang ang klase kada linggo.

Sinabi ni Education Assistant Secretary Jesus Mateo, welcome sa kanila ang proposal ngunit kinakailangan muna nilang konsultahin hinggil dito ang mga prinsipal at mga superintendent ng mga paaralan upang matukoy ang mga eskwelahang maaapektuhan nito.

Ayon kay Mateo, dapat din nilang timbangin kung hindi ba makakaapekto o makukompromiso sa naturang hakbang ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Aniya, bubuo sila ng komite na gagawa ng masu­sing pag-aaral sa nabanggit na plano.

Nauna rito, inirekomenda ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman  Francis Tolentino na magpatupad ng 4-day school week bilang solusyon sa masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila. Inaasahang lalo pang magsisikip ang daloy ng trapiko sa Kamaynilaan sa sandaling simulan ang nakatakdang pagsasagawa sa Skyway 3 na magkonekta sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX).

 

ANIYA

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION ASSISTANT SECRETARY JESUS MATEO

FRANCIS TOLENTINO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NORTH LUZON EXPRESSWAY

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with