Pagiging state witness dadaan sa tamang proseso - Palasyo
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Palasyo ng Malakanyang na dadaan sa tamang proÂseso ang pagiging state witness sa PDAF scam.
Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, may proÂsesong sinusunod upang maging state witness ang isang gustong tumestigo.
Sinabi ni Valte na mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nanawagan ilang buwan na ang nakakaraan na dapat lumutang at magbigay ng pahayag ang mga may nalalaman sa pork barrel scam kung saan inilagay ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng ilang mambabatas sa mga pekeng non-government organizations ni Janet Lim Napoles.
Ani Valte, dadaan sa evaluation o pagsusuri ng Department of Justice (DOJ) ang testimonyang ipagkakaloob lalo pa’t hindi puwedeng maging state witness ang lahat.
Dahil sa dumaraming bilang ng mga gustong maging state witness, tiniyak naman ng Malacañang na nagkaroon na ng “improvement†sa witness protection program†ng gobyerno.
Matatandaan na naÂbanggit ang pangalan ng actor na si Mat Ranillo III sa pinakahuling pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kung saan sinasabing naging “middle man†din ito sa pagitan ng isang senador at ni Janet Lim Napoles.
Nakatakdang paharapin ng komite si Ranillo sa susunod na hearing.
- Latest