Impeachment case vs 2 SC justices
MANILA, Philippines - Hindi pa isinusuko ng mga solon ang pagsusulong ng impeachment case laban sa dalawang mahistrado ng Supreme Court.
Ito ang sinabi Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali bagamat hindi pa muna tinukoy ang pangalan ng dalawang mahistrado dahil sa patuloy na ginagawa nilang pagbalangkas sa kaso at mabusising pag-aaral.
Gagamitin umano nilang batayan sa impeachment ang desisyon ng Korte Suprema sa disqualification case ni Marinduque Rep.Regina Reyes na maituturing umanong flip-flopping sa panig ng hukuman.
Ipinaliwanag ni Umali na bumaligtad ang Korte Suprema sa umiiral nang jurisprudence na kapag ang isang nagwaging kandidato sa pagka-kongresista ay naiproklama na at nakapanumpa na, ito ay nasa
ilalim na ng hurisdiksyon ng House of Representatives Electoral Tribunal at hindi ng Mataas na Hukuman.
Ang flip flopping desisyon ng Korte Suprema ay maituturing na betrayal of public trust sa panig ng mga mahistrado lalo na iyong bumaliktad sa mga nauna nilang boto hinggil sa kaparehong kaso.
Nanindigan naman si Umali na lehitimo at hindi peke ang non-government organization na Maharlikang
Lipi Foundation Incorporated o MLFI, na pinaglaanan ng bahagi ng kanyang pork barrel fund noong 2012 na nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) at kinikilala ng COA bilang isa sa dalawang NGO na lehitimong naka-transaksiyon ng Philforest.
- Latest