^

Police Metro

60 kph maximum speed sa motorcycles hindi nasusunod

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hindi umano nasusunod ng mga motorcycle riders ang batas na 60 kilometer per hour ang itinakdang bilis ng isang motorsiklo.

Ito ang inihayag ni Engr. Joel Donato, hepe ng North Motor Vehicle Inspection Service ng LTO  alinsunod sa LTO regulation 136.

Matagal na anyang patakaran ang Land Transportation Office (LTO) sa speed limit ng mga motorsiklo.

Ang mga motorsiklo o small bike kung tawagin na may 80 hanggang 150 cc o kilala sa tawag na single motorbike ang pinapayagan ng batas na hanggang 60 kilometer per hour lamang ang pinakamabilis nitong takbo at ang mga lalampas dito ay maaa­ring hulihin ng paglabag sa overspeeding na may P1,200 na multa at drivers seminar sa LTO.

Ang mga big bike naman na may 400 cc pataas ay maaaring tumakbo ng hanggang mula 80 hanggang 100 kilometer per hour.

Ang pagpapatupad ng speed limit sa mga motorcycles ay makakaiwas sa aksidente sa lansangan at paggamit ng riding-in-tandem ng motorsiklo na sobrang bilis magpatakbo oras na gumawa ng krimen.

HANGGANG

JOEL DONATO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

MATAGAL

MOTORSIKLO

NORTH MOTOR VEHICLE INSPECTION SERVICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with