1 miyembro ng‘Bicycle Gang, napatay
MANILA, Philippines - Isa sa tatlong holdaper na miyembro ng “Bicycle Gang†ang nasawi habang ang isa ay nakatakas at ang isa ay naaresto na naganap kahapon ng madaÂling-araw sa Sampaloc, Maynila.
Ang suspek na nasawi dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Richard Papa, 37, may-asawa, residente ng no. 4522 Int.2 V. Francisco St., Sta. Mesa, Maynila.
Nadakip naman ang kasama nitong si Arnulfo Cundina, 37, may-asawa, helper, residente ng no.1521 Lubiran St., Bacood, Sta. Mesa, Maynila. Habang nakatakas ang isa pa.
Batay sa ulat, bago naganap ang barilan dakong alas-2:45 ng madaling-araw sa kanto ng Dos Castillas at Fajardo Sts., Sampaloc, Maynila ay sinita ng mga napapatÂrulyang pulis ang kahina-hinalang kilos ng mga suspek na nakahimpil sakay ng mga bisikleta.
Nang lalapitan ay bigÂlang bumunot ng baril si Papa at pinaputukan ang mga pulis, subalit hindi tinamaan.
Gumanti ng putok ang mga pulis at dito ay agad tinamaan si Papa na armado ng kalibre .38 baril.Habang si Cundina ay nakumpiskahan ng paltik na kalibre .38 pistola.
Nabatid ang grupo ay responsable sa panghuholdap sa isang bigasan na nakunan ng CCTV at sakay ng bisekleta sa pagtakas.
- Latest