Tatay ng komedyante siniguradong patay
MANILA, Philippines - Tiniyak ang kamatayan ng ama ng koÂmedyante/madyiÂkero na si Jeffrey Tam nang ito ay paulit-ulit na sinagasaan ng hindi pa kilalang driver nang ito ay mabundol kamakalawa sa Provincial Road, Brgy. Tongko, Tayabas City, Quezon.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Alfredo Francisco Tam, 67-anyos, negosÂyante, residente ng Capitol Homesite Subdivision, Brgy. Cotta, Lucena City.
Nabatid sa pulisya, na isang tinukoy sa pÂangalang Gng. Encanto ang tumawag sa Tayabas City Police at iniulat ang isang duguang bangkay ng matandang lalaki na nakahandusay sa nasabing lugar.
Ayon sa ginang, dakong alas-10:00 ng gabi nang makita nito ang isang kulay dilaw na SUV Isuzu Crosswind na walang plaka na nakaparada sa kanang bahagi ng highway na nakaharap sa direksyon patungong Tayabas City.
Nakita nito na biglang pumihit ang nasabing SUV sa kaliwang bahagi ng kalsada na sinundan ng pasulong at paatras nito na sobrang ingay na nasilip pa niya mula sa bintana ng kanilang bahay.
Ilang minuto ang nakalipas ay humarurot na patungo sa direksyon ng Lucena City ang SUV at laking gulat nito ng makita ang duguang matanda na nakahambalang sa kalsada.
Sa eksamin ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Tayabas City Police sa lugar kanilang kinakitaan ng mga bakas ng dugo mula sa gulong ng sasakyan ang kalsada kaya’t ang teorya nila na matapos aksidenteng masagasaan ay pinagulungan pa ng ilang ulit ng driver ng behikulo ang biktima upang tiyakin na hindi na ito mabubuhay pa.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang maaresto ang tumakas na driver.
- Latest