MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuang sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Quezon City.
Sa Maynila, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ng isang lalaki na hubo’t hubad na nasa edad 35-40, may taas na 5’6â€, mataba, nakasilid sa karton, naka-packaging tape ang ulo na may tama ng bala sa sentido na itinapon malapit sa Federal Land Showroom Pavilion, Numancia St., Binondo, Maynila.
Ayon sa mga tanod ng Brgy. 282 Zone 26 bago nila natagpuan ang bangkay dakong alas-3:00 ng madaling-araw ay may dumaang Isuzu elf at huminto sa madilim na bahagi sa nasabing lugar.
Sa Quezon City ay isang rin lalaki na natagpuang patay sa kahabaan ng Apollo St., corner E. Pasto St., Brgy. Del Monte sa lungsod.
Isang tricycle driver ang pumapasada sa lugar nang makita ang biktima na nakadapa na walang suot na pang-ibaba.
Inakala na lasing lamang na nakatulog ang biktima sa lugar, subalit nang tignan ay doon lamang nadiskubreng patay na ito.
Ang biktima na may mga tama ng saksak sa dibdib at may bakas ng panaÂnakal ay inilarawan na nasa pagitan ng edad 30-35, may taas na 5’6â€, may kapayatan, nakasuot ng t-shirt na kulay puti at may marka na tattoo na tribal sa kanang kamay.