Aksidente panglima sa ikinamamatay ng mga Pinoy
MANILA, Philippines - Mas naunahan pa ng ‘aksidente’ bilang leading killer sa Pilipinas ang sakit na diabetes at TB dahil sa ito ay panglima na sa “leading killer kung saan kabilang ang mga aksidenteng kinakasangkutan ng mga sasakyan.
Ayon kay Senator Ralph Recto na dapat gawing ligtas ang “tuwid na daan†na ikinakamÂpanya ng administrasyon dahil sa Metro Manila pa lamang ay nakakapagtala ng isang vehicular accident sa bawat pitong minuto base sa naitalang 77,110 insidente ng Metro Manila Development Authority (MMDA) noong 2011.
Lumabas din sa taong 2011, na 396 ang namatay dahil sa traffic accidents sa National Capital Region na maihahalintulad sa dalawang Airbuses na puno ng pasahero.
Halos kalahati ng namatay o 181 ay mga pedestrians katulad ng mga naghihintay laman sa isang waiting shed malapit sa Dasmariñas Village pero inararo ng isang bus.
Dahil sa nagaganap na aksidente, nagbuo ang gobyerno ng isang Philippine Road Safety Action Plan para sa 2011-2020 na nanatiling plano.
Naniniwala si Recto na dapat ng gamitin ang bahagi ng P12 bilyong annual collection mula sa Road Users Tax para sa road safety at mas marami pang dapat gawin ang gobyerno para masolusyunan ang “national epidemic†na aksidente sa mga lansangan.
- Latest
- Trending