^

Police Metro

Bakbakan sa Sulu: 6 Abu todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa anim na uma­no’y miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay sa pakikipag-engkuwentro sa tropa ng pamahalaan sa Talipao, Sulu noong Sabado, ayon sa ulat ng militar.

Sinabi ni Col. Jose Johriel Cenabre, Commander ng 2nd Marine Brigade at Task Force Sulu, nakasagupa ng kanyang tropa at BPAT members ang tinatayang may 50 armadong bandido sa nasabing lugar dakong alas-10:30 ng umaga na pinamumunuan nina Sihata Latip at Abbraham Hamid sa bisinidad ng   Barangay Mabahay.

Sa pakikipagpalitan ng putok ay anim na ASG bandido ang nasawi habang anim ang nasu­gatan sa mga miyembro ng BPAT.

Ang mga nasugatang volunteers ay dinala sa ospital sa Zamboanga City para malapatan ng lunas.

Napaulat din na sugatan sa nasabing bakbakan sina Abu Sayyaf Commander Yasser Igasan at ASG Sub leader Rakib Gala alyas Tikboy at maraming kasamahan ng mga ito.

Nabatid na nagkuta sa lugar sina Igasan matapos namang abandonahin  ng grupo ni Moro National Liberation Front (MNLF) Commander Habier Malik  ang kanilang kampo. 

Si Malik ay wanted sa batas kaugnay ng pamumuno sa  madugong Zamboanga City siege noong Setyembre ng nakalipas na taon.

ABBRAHAM HAMID

ABU SAYYAF COMMANDER YASSER IGASAN

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY MABAHAY

COMMANDER HABIER MALIK

JOSE JOHRIEL CENABRE

MARINE BRIGADE

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

RAKIB GALA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with