Pulis na biktima, magsisimba sana tandem strike again
MANILA, Philippines - Isang kagawad ng PhilipÂpine National Police (PNP) ang panibagong biktima ng rinding-in-tandem makaraang pagbabarilin habang sakay ng kanyang motorisiklo at angkas ang dalawang anak nito na magsisimba sana sa Pasay City, kahapon ng umaga.
Agad na nasawi sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si PO3 Alih Butal, nasa hustong gulang, may asawa na nakatalaga sa Police Community Precint 6 (PCP-6) sa Pasay City Police.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ulo at katawan na siyang dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon Golondrina ng Pasay City Homicide Section, nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-9:30 ng umaga sa Legaspi St., corner Aurora Boulevard sa lungsod.
Ayon sa report, sakay ng motorsiklo na kulay pula na may plakang TU-5408 ang pulis angkas ang dalawang anak upang magsimba ng biglang sumulpot ang dalawang supek sa kanyang likuran at agad na pinaputukan.
Upang hindi tamaan ng bala ang dalawang bata ay kinabig at niyakap ng biktima.
Nang makitang bumulagta at matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang dalawang suspek sakay ng kanilang motorsiklo.
Ayon sa kaanak ng biktima, wala silang alam na kagalit o kaaway ito, pero maraming nasasagasaan na kriminal dahil sa kanyang trabaho bilang isang pulis.
Nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang mga tauhan ng Pasay City police para matukoy at madakip ang dalawang salarin.
- Latest