^

Police Metro

Manila Bay Seasports Festival sasagwan na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Manila Broadcasting Company sa mga nais lumahok sa pagtatanghal ng 2014 Manila Bay Seasports Festival sa darating na Marso 8 at 9, 2014.

Ang proyektong ito ng MBC at Lungsod ng Maynila ay sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard na tampok ang pinaghalong koponan ng mga lalake’t babae sa Dragon Boat Race, at mga batikang bangkero mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Mahigit sa kalahating milyong piso ang nakalaang pa-premyo sa mga karera, kung saan  matutunghayan ng mga manonood ang kakaibang bilis at lakas ng mga naturingang atletang dagat. 

Tig-32 kalahok lamang ang tatanggapin sa stock at formula races ng tinaguriang “bancathon.” 

Ang mga interesadong sumali ay tumawag kay Lida Aquino, sa numerong 0999.705.7910 mula ika-10 ng Pebrero at first-come, first-served ang pagpaparehistro ng mga kalahok.

 

vuukle comment

DRAGON BOAT RACE

LIDA AQUINO

LUNGSOD

MAHIGIT

MANILA BAY SEASPORTS FESTIVAL

MANILA BROADCASTING COMPANY

MARSO

MAYNILA

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with