^

Police Metro

Taguig PNP kinasuhan ang security agency ng condo ni Deniece

Lordeth Bonilla, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsampa ng pormal na reklamo ang Taguig City Police sa Department of Justice laban sa security agency ng Forbeswood Heights Condominium  kung saan naganap ang pambubugbog kay TV host/actor Vhong Navarro.

Isinumite ng Taguig City Police sa pangunguna ng kanilang hepe na si P/Sr. Supt. Arthur Felix  Asis ang complaint affidavit dahil sa  paglabag  sa Republic Act 5487 o Private Security Agency Law at Presidential Decree 1829, obstruction of justice ng Megaforce Security Services.

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Roderick Garbin, chief security ng agency; mga sekyu na sina  Jeffrey Veniegas; Romeo Nevado Jr.; Maximo Maregildo, Investigation head; at ilan pang John Does. 


Nakasaad sa reklamo ng Taguig City Police na nagkaroon ng paglabag ang security agency dahil hindi ito kaagad  nakipag-ugnayan at nakipagtulungan hinggil sa insidente nang panggugulpi kay Navarro ng tropa nina Cedric Lee at Deniece Cornejo noong Enero 22.

Gayundin sa insidente na inaakusahan ni Cornejo si Navarro na tinangka umano siyang halayin nito na naganap din sa mismong condo unit.

Ayon din sa Taguig City Police na nalaman pa nila ang insidente sa media, na dapat aniya responsibilidad ng mga guwardya na kaagad ipagbigay alam sa mga otoridad ang mga nagaganap sa kanilang binabantayan kaya’t hindi na-i-preserve ang mga ebidensiya na malinaw aniya na paglabag ito sa batas.

Nakalagay din sa rek­lamo ang hindi pakiki­pagtulungan ng security agency noong Enero 25 nang magpunta ang mga pulis para imbestigahan ang insidente at itinanggi pa nila na may naganap na bugbugan sa naturang lugar.

ARTHUR FELIX

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

ENERO

FORBESWOOD HEIGHTS CONDOMINIUM

JEFFREY VENIEGAS

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with