^

Police Metro

Mister inutas ng kapitbahay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang kadahilanan na sinaksak ang isang karpintero ng kanyang kapitbahay habang ang mga ito ay  magkahiwalay na nag-iinuman sa kanilang lugar kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Cesar del Rosario, 52 nang maubusan ng dugo dahil sa saksak sa balikat.

Tumakas naman ang suspek na si Louie Antonio, 22, kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi sa harap ng bahay ng biktima sa Block 8, Lot 1, Lot St., Victoria Extension, Brgy. Sauyo, Novaliches nang lapitan ito ng suspek at agad na sinaksak.

Bago ang krimen ay magkahiwalay na nag-iinuman ang suspek at biktima nang tumayo ito una at nagbunot ng patalim at inundayan ng saksak ang huli.

vuukle comment

BATAY

BRGY

IDINEKLARANG

LOT ST.

LOUIE ANTONIO

NOVALICHES

QUEZON CITY

SAUYO

TUMAKAS

VICTORIA EXTENSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with