Bidding ng MRT, LRT ‘one-ticket’ project pinabubusisi
MANILA, Philippines - Hiniling ni Atty. Conrad Tolentino, abogado ng E-Trans Solutions Joint Venture Inc. (E-Trans), isa sa mga lumahok sa bidding na busisiin ang resulta ng bidding para sa automated fare collection systems (AFCS) ng MRT at Light Rail Transit na isinagawa kamakailan ng Department of Transportation and Communication (DoTC).
Ipinaliwanag ni Tolentino na malaki ang tiwala ng E-Trans na mas makikinabang ang gobyerno at publiko sa bid nito, na nangangahulugang dagdag na kikitaing pera ng gobyerno at maaaring bawas naman sa pasahe para sa milyong commuters ng LRT at MRT.
Hindi nagbibigay ng ekÂsaktong numero ang E-Trans ngunit lumalabas sa ibang mga report na aabot sa higit kumulang P800 milyon ang dagdag sa bid ng E-Trans kumpara sa bid na P1,088,103,900 ng nagwaging AF Consortium at P1,088,000,000 bid ng isa pang consortium na pumaÂngalawa lamang.
Nauna rito, sumulat din ang Embahada ng Turkey sa DOTC at hiniling na bigyan ng patas na pagkakataon ang bid ng E-Trans.
Binatikos ni Turkish Embassy Commercial Counsellor Cezmi Besogul ang kagawaran kung bakit binigyan ng rating na ‘failed’ ang E-Trans para sa AFCS project.
Sinabi ni Besogul na ang Turkish company na Kentkart, ang technical partner ng E-Trans, ay binigyan sana ng pagkakataong makilahok sa bidding.
Bunga nito, maaaring bumagsak ang tiwala at interes ng mga Turkish investors sa ating bansa.
Sinabi ng DoTC, na may kakulangan diumano ng E-Trans sa kanilang technical proposal at tuluyang binasura ang bid proposal ng E-Trans.
Ngunit kapansin-pansin na hindi pinuna ng DoTC ang proposal nito tungkol sa hardware at software, “na sya namang puso ng biddingâ€, dagdag pa ni Tolentino.
- Latest