6 patay, iniwan ni Basyang
MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ExeÂcutive Director EduarÂdo del Rosario na 6 katao nasawi sa bagyong BasÂyang na nanalasa sa siyam na lalawigan sa MinÂdanao at Visayas.
Kinilala ang mga nasawi na sina Vincent Paras Jayme, 5, ng Brgy. Poblacion, Compostela, Cebu; Allan Cris Lisondra Degino, 14, ng Samboan, Cebu; Jaose Haji Aque Babatid, 22, ng Balamban, Cebu; Danny Tundag, 24, ng Daanbantayan, Cebu; Anthony Garcia, 63 ng Bantayan, Cebu; at Dionesio Paler, 66 ng Maasin City, Southern Leyte.
Naapektuhan din ni Basyang ang 9,328 pamilÂya o katumbas na 42,987 katao sa 38 munisipalidad, pitong lungsod sa siyam na lalawigan sa Regions VI, VII, VIII at CARAGA .
Natagpuan na rin ang isang turistang Koreano at apat nitong kasamahan na unang napaulat na nawawala kamakalawa ng lumubog ang sinasakyang bangka sa Camotes Island, Cebu.
Nabatid na 19 insidente ng landslide ang naitala, apat na pagbaha at dalawang sakuna sa karagatan matapos na manalasa si Basyang sa Visayas Region at MinÂdanao bago tuluyang lumabas ng bansa kamakalawa ng umaga sa bahagi ng West Philippine Sea.
- Latest