^

Police Metro

Salvage victim itinapon sa QC

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang naka-posas ang magkabilang kamay at may tama ng bala sa ulo sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Inilarawan ni SPO1 Pascual Fabreag, ang biktima na may taas na 5’4, nasa pagitan ng edad 30-35, nakasuot ng itim na sando, gray na short pants, at may tattoo na “Sherwin”, “Gomer”, ‘Orly”, “Jay”, at “Vega” sa iba’-t-ibang parte ng kanyang katawan.

Ang bangkay ay nadiskubre sa bakanteng lote sa Forest Hills Chapel,  sa tabi ng Tulyahan River, Gulod Novaliches, ganap na alas-5:45 ng umaga.

Nakita ang bangkay ng isang Manny Perocho habang ito ay nagwawalis sa lugar at mapuna ang bangkay habang nakaluhod at may posas.

Agad na ipinabatid ni Perocho ang insidente sa kanyang amo na siyang tumawag naman ng awtoridad para sa pagsisiyasat.  Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

FOREST HILLS CHAPEL

GULOD NOVALICHES

INILARAWAN

ISANG

MANNY PEROCHO

NAKITA

PASCUAL FABREAG

QUEZON CITY

TULYAHAN RIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with