^

Police Metro

‘Basyang’ nag-iwan ng 3 patay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nag-iwan ng tatlong patay ang bagyong ‘Basyang’ habang nasa  40,000 katao ang naapektuhan ng pananalasa nito sa Visayas at Mindanao.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Mana­gement Council (NDRRMC) ang mga nasawi ay kinilalang sina Danny Tundag, 24 ng Daanbantayan; Dionesio Paler, 66, ng Maasin City sa Southern Leyte na  pawang nasawi sa pagkalunod at Jose Haji Aque Babatid, 22, ng Balamban, Cebu, na nasawi matapos na makuryente.

Si Tundag ay nasawi makaraang lumubog ang sinasakyan nilang banca na M/V Ave Maria 5 sakay ang 10 crew sa may Poro Port, Camotes Island.

Bagama’t umalis na ang bagyong si “Basyang” nag-iwan naman ito ng matinding pinsala sa Southern Leyte at Cebu, ayon  pa sa ulat.

May kabuuang 9,105 pamilya o 42,413 katao ang naapek­tuhan sa may 176 na barangay sa 38 munisipalidad, pitong siyudad at siyam na probinsya sa Region 4, 7, 8 at Caraga.  Umabot naman sa 1,130 pamilya o 5,646 katao ang inilikas  sa 32 evacuation center.

 Ang matinding pagbuhos ng ulan ay nagdulot ng pagguho ng lupa sa 10 lugar sa Southern Leyte habang apat na insidente ng pagbaha naman sa Eastern Visayas province.

Ayon sa NDRRMC, alas-6:00 ng umaga, ilang kalsada at tulay ang nanatiling hindi madaanan ng mga motorista sanhi ng iniwang pinsala ni Basyang. Nawalan din ng suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Southern Leyte, Bohol at Cebu.

BASYANG

CAMOTES ISLAND

CEBU

DANNY TUNDAG

DIONESIO PALER

EASTERN VISAYAS

JOSE HAJI AQUE BABATID

MAASIN CITY

SOUTHERN LEYTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with