Palasyo sa mga reporter: ‘Safety protocols’ sundin
MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Palasyo ng Malacañang ang mga media networks na sundin ang umiiral na “safety protocols†kaugnay sa pag-kober sa mga areas na mayroong armed conflicts.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dapat sundin ng mediamen ang protocol matapos madamay sa nangyaring pagsabog sa Maguindanao ang dalawang TV news personnel.
Ayon kay Usec. Valte, mahalagang makipag-ugnayan sa mga ground officials ang mga mamamahayag na nagkoko-kober sa mga lugar na may tensyon.
Wika pa ng opisyal, may umiiral na safety protocol ang militar at pulis na dapat sundin ng media para na rin sa kanilang seguridad at kaligtasan.
Una rito, sugatan ang cameraman na si Adrian Bulatao at isang reporter ng TV5 na si Jeff Caparas matapos na madamay nang masabugan habang nag-kober lamang sa naunang pagsabog sa Brgy. Salvo, Datu Saudi, Ampatuan.
Si Caparas ay nagtamo ng sugat sa hita habang si Bulatao naman ay may sugat din dahil sa tama ng shrapnel at sinasabing nasa seryosong kondisyon.
Batay sa inisyal na impormasyon, kagagawan umano ng BIFF ang insidente.
Napag-alaman na mahigit na sa 50 katao ang nasawi sa nangyaÂring bakbakan sa lalawigan habang nasa libu-libong katao naman ang mga apektado.
- Latest