^

Police Metro

13 child warriors ng BIFF napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kabuuang 52 napatay na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa pakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan ay napag-alaman na 13 sa mga ito ay pawang mga kabataan o child warrior.

Ito ang inihayag ni Col. Dickson Hermoso, Spokesman ng Army’s 6th Infantry Division (ID), simula noong Enero 27  hanggang sa kasalukuyan ay nasa 52 na ang nasasawing BIFF at isang sundalo  sa ika-5 araw na bakbakan sa Central Mindanao.

Kabilang naman sa mga napaslang ay isang opisyal ng BIFF na tinukoy ni Hermoso na si Commander Hassan Indal.

Nasa 62 naman ang nasugatan kabilang ang 49 mula sa hanay ng BIFF fighters at  13 naman sa tropa ng pamahalaan simula ng sumiklab ang bakbakan noong Enero 27.

Nasa 13 child warriors ng BIFF  na nasa pagitan ng 14-15 anyos ang kabilang sa mga narekober na bangkay sa encounter site sa ilang bayan ng Maguindanao at Pikit, North Cotabato.

Noong Enero 27 ay naglunsad nang pagsalakay ang pinagsanib na elemento ng militar at pulisya sa pinagkukutaan ng grupo ni BIFF Commander Ameril Umbra Kato sa mga bayan ng Shariff Saydona Mustapha, Datu Piang, Sultan sa Barongis at Datu Salibo; pawang sa Maguindanao, at Pikit sa North Cotabato.

 

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CENTRAL MINDANAO

COMMANDER AMERIL UMBRA KATO

COMMANDER HASSAN INDAL

DATU PIANG

DATU SALIBO

DICKSON HERMOSO

ENERO

INFANTRY DIVISION

NORTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with