3 kampo ng BIFF nakubkob
MANILA, Philippines - Tatlong kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nakubkob ng mga militar kaugnay ng limang araw na pagsiklab ng bakbakan sa Central Mindanao.
Nabatid na noong Enero 26 ng gabi ay sinalakay ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang mga pinagkukutaan ng BIFF rebels na sumasabotahe sa peace talks ng pamahalaan at ng gobyerno.
Ang nasabing mga kampo ay matatagpuan sa Shariff Saydona Mustapha, Datu Piang, Sultan sa Barongis at Datu Salibo; pawang sa Maguindanao at Pikit, North Cotabato.
Ayon kay Col. Dickson Hermoso, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division (ID), inaasahang hindi na magtatagal ay tuluyan ng magagapi ng tropa ng mga sundalo na naglunsad ng law enforcement operation ang BIFF rebels.
Sa kasalukuyan, ayon kay Hermoso ay umaabot na sa 40 BIFF fighters at isang sundalo ang napaslang habang 13 sundalo naman ang sugatan.
- Latest