^

Police Metro

182 preso sa Leyte pumuga sa gutom

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pumuga kahapon sa kanilang detention cell ang may 182 inmates ng provincial jail ng Palo, Leyte dahil sa gutom na naranasan.

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesman Sr. Supt. Wilben Mayor, ang pagpuga ng nasabing bilang ng mga preso.

Ang Leyte ay kabilang sa mga pinakagrabeng nasalanta ng pagtama ng super bagyong Yolanda sa bansa noong Nobyembre 8.

Sa ulat, dakong alas-4:50 ng madaling-araw nang maganap ang pagpuga ng 182 preso na kabilang sa kabuuang 431 inmates na nakapiit sa Leyte Provincial Jail na matatagpuan sa Palo, Leyte.

“Among the issues raised was lack of food, slow judicial process on their case and poor condition of the facilities”, wika ni Mayor.

Patuloy ang masusing imbestigasyon upang mabatid kung paanong nagawang makatakas ng naturang mga preso.

Ayon naman sa source nagawang makatakas ng mga preso matapos na sabayan ang ilang jailguard na kinuyog ng mga ito habang nagkakape.

ANG LEYTE

AYON

KINUMPIRMA

LEYTE

LEYTE PROVINCIAL JAIL

NOBYEMBRE

PALO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SPOKESMAN SR. SUPT

WILBEN MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with