^

Police Metro

Mike Enriquez natangayan ng P1.8-M

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaabot sa P1.8 milyon ang natangay sa bangko ni GMA TV broadcaster Mike Enriquez matapos payagan ng isang bank manager na makapagbukas ang isang Rosario Aragon, dating account manager ng GMA Marketing and Production Inc. para sa pangalang Miguel Enriquez, gamit ang pinekeng application form at pinekeng pirma ng complainant.

Kaya naman inaresto ng mga operatiba ng NBI-Anti-Organized Crime Division sa pamumuno ni Head Agent Rommel Vallejo sa bisa ng warrant of arrest sa kasong falsification thru reckless imprudence of commercial document na ipinalabas ng Metropolitam Trial Court Branch 10 Acting Judge Yolanda Leonardo si Cynthia Lira, manager ng isang bangko na matatagpuan sa Pedro Gil, Ermita, Maynila.

Batay sa record ng korte, nag-ugat ang pag-aresto sa reklamo ni Enriquez noong pang huling quarter ng 2012, matapos payagan umano ni Lira na makapagbukas ng bank account sa pamamagitan ng ATM si Aragon, gamit ang pinekeng application form at pinekeng pirma ni Enriquez.

Nabatid na ginamit ni Aragon ang naturang bank account upang mai-deposito at mai-withdraw ang mga tsekeng inisyu at nakapangalan kay Enriquez kaya agad din nagsampa ng kaso nang matuklasang ginamit ang kanyang pangalan at natangayan ng may P1.8 milyon gamit ang naturang ginawang account ni Aragon.

Nabatid na si Aragon ay nahaharap naman sa hiwalay na kasong qualified theft through falsification of a commercial documents sa Manila RTC Branch 10.

 

ACTING JUDGE YOLANDA LEONARDO

ANTI-ORGANIZED CRIME DIVISION

ARAGON

CYNTHIA LIRA

ENRIQUEZ

HEAD AGENT ROMMEL VALLEJO

MARKETING AND PRODUCTION INC

METROPOLITAM TRIAL COURT BRANCH

MIGUEL ENRIQUEZ

MIKE ENRIQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with