Ex-CJ Corona, misis pinakakasuhan sa Ombudsman
MANILA, Philippines - Matapos na mapatunaÂyan ng Ombudsman na may probable cause sa kasong perjury at iba pang kaso ay tuluyan nang kakasuhan si dating Chief Justice Renato Corona at misis na si Cristina.
Sa 22 pahinang resulusyon na inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales noong January 28, 2014, napagpasyahan ng special panel of investigators na mula 2001 hanggang 2011, ang mag-asawang Corona ay kumita ng kabuuang income na P30,369,120.13 kung saan P27,145,472.68 ay kinita ni CJ Corona bilang opisyal ng Office of the President, isang Justice ng Supreme Court, miyembro ng Senate Electoral Tribunal, miyembro ng House of Representatives Electoral Tribunal) at habang si Cristina ay kumita ng P3,223,647.45 para sa taong 2007-2010, base sa Alpha List na isinumite sa Bureau of Internal Revenue ng John Hay Development Corporation kung saan nagta-trabaho si Cristina.
Nakasaad sa resolution na mula 2002 hanggang 2010, ang aktuwal na cash deposit ni Corona ay lumobo mula sa P1,337,072.28 hanggang sa P137,937,207.88 at noong 2010 ang cumulative discrepancy sa pagitan ng kanyang deklarasyon sa Statement of Assets, LiaÂbilities and Net Worth at kanyang aktuwal na cash deposits na nagkakahalaga ng P134,437,207.88.
Isinaad din sa resolution ang ilang records mula sa Land Registration Authority sa mga ari-ariang pag-aari ng mag-asawang Corona sa Quezon City, Makati City at Fort Bonifacio sa Taguig City, na naipundar ay malaking halaga sa P17,297,145.00.
Binigyang diin din ang sertipikasyon ng Department of Trade and Industry na nagsasaad na ang mag-asawang Corona ay walang existing business na nakarehistro sa kanilang pangalan, habang ang SALN ni CJ Corona para sa 2003-2009 ay nalantad na ang kanyang asawa ay konektado sa Basa Guidote Enterprises, Inc.
Sa kabuuan, nadetermina ng Ombudsman na ang hindi mapaliwanag na yaman ng mag-asawa ay nasa P130,336,212.88.
- Latest