500,000 sekyu binalaan sa obstruction of justice
MANILA, Philippines - Mahigit 500,000 security guards sa buong bansa ang binalaan ng Philippine National Police (PNP) na mahaharap sa kasong obsÂtruction of justice kapag ang mga ito ay nagpalusot o nakiÂpagsabwatan sa anumang uri ng krimen sa mga condominium, malls, establisyemento at iba pang mga binabantayan nilang lugar.
Ito ang inihayag ni Chief Supt. Tomas Rentoy, Chief ng PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) kaya dapat pagbutihing mabuti ng mga security guards ang kanilang mga pagbabantay at agarang umaksyon sa anumang uri ng krimen sa kanilang mga binabantayan sa halip na makisali pa sa gulo.
Ang babala ay ginawa ni Rentoy sa gitna na rin ng kontrobersyal na kaso ng pambubugbog kay TV host Ferdinand “Vhong†Navarro ng grupo ni Cedric Lee dahilan umano sa tangkang panggagahasa sa modelong si Deniece Cornejo sa unit nito sa Forbeswood Parklane sa Taguig City noong Enero 22, 2014.
Sinabi ni Rentoy na hindi dapat kalimutan ng mga security guard na nasa ilalim sila ng administrative regulatory authority ng PNP-SOSIA at sa kaso ni Navarro ay mananagot sa batas ang mga security guard ng Megaforce Security Agency na nagbabantay sa Forbeswoods Heights condominium kapag napatunayan sa imbestigasyon na may kapabayaan ang mga ito sa naturang pangyayari.
Idinagdag pa nito na malaki ang maitutulong ng mga CCTVs sa isinasagawang imbestigasyon bilang bahagi ng ebidensya ng mga otoridad sa nasabing kaso.
Nabatid na ang PNP-SOSIA ang may mandato para magregulisa sa pag-iisyu ng lisensya ng mga security guards at iba pang pribadong security personnel sa pagtupad ng mga ito ng tungkulin at may kapangyarihan din para magkansela ng mga lisensya.
- Latest