^

Police Metro

Pacquiao nag-preach sa Kamara

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagdaos kahapon sa kauna-unahang pagkakataon ng bible study si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa Kamara.

Nagsimula ang bible study pasado alas-11:00 ng umaga sa Iñiguez Hall na dinaluhan nina Palawan Rep. Douglas Hagedorn at Cibac partylist Rep. Cichona Cruz at ng mga empleyado ng Kamara.

Si Pacquiao ay siyang nag-preach sa bible study  at dito ay kanyang inihayag ang ginawang pagbabago ng Diyos sa kanyang buhay mula sa pagiging Katoliko hanggang sa tunay na Kristiyano at tinanggal din ng Diyos ang kanyang pagiging babaero at sugarol simula ng isuko  niya ang buhay sa Diyos.

Naging positibo naman para sa mga empleyado ng Kamara ang ginawang pagpapahayag ni Pacquiao ng Salita ng Diyos at testimonya  kung paanong nabago ang kanyang buhay nang makilala niya ang Panginoong Jesus.

Natapos ang pagtuturo ng Salita ng Diyos ni Pacquiao dakong ala-1:00 ng hapon.

vuukle comment

CICHONA CRUZ

DIYOS

DOUGLAS HAGEDORN

KAMARA

PACQUIAO

PALAWAN REP

PANGINOONG JESUS

SALITA

SARANGANI REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with