Sa kaso ni Vhong Navarro… 4 pulis, condo owner at security agency sabit
MANILA, Philippines - Posible anya na sumabit sa kasong pambubugbog kay Vhong Navarro ang apat na miyembro ng Taguig City police, may-ari ng condo at security agency ayon sa otoridad.
Nasa hot water ngayon ang apat na pulis na sina Sr. Inspector Eduar-do Alcantara, Jr.; PO3s Dalmacio Lumiuan, Rolly Laurito at Eugene Pugal, pawang mga nakatalaga sa District Investigation and Detective Management section (DIDM).
Ang pagsasailalim sa apat na pulis sa imbestigasyon ay dahil sa may posibleng iregularidad sa paghawak sa kaso ng “attempted rape†na ipina-blotter laban kay Navarro.
Kabilang sa pinaiimbestigahan ang hindi pagkuha ng mga pulis ng pahayag kay Navarro sa akusasyon nang tangkang panggagahasa nito sa 22-anyos na modelong si Deniece Cornejo gayong “standard operating procedure (SOP)†ito at bakit din umano hindi dinala agad sa pagamutan si Navarro gayung nakitang bugbog-sarado ito.
Kasong obstruction of justice ang posibleng ikaso naman ng Taguig City Police sa pamunuan ng Forbeswood Condominium sa Bonifacio Global City at sa Megaforce Security Agency na siyang namamahala sa seguridad nito dahil sa hindi pakikipag-kooperasyon sa imbestigasyon kaugnay ng kaso.
Nabatid na inimbitahan ang mga kinatawan ng Forbeswood at ng Megaforce na dumalo sa imbestigasyon ngunit biglang nagpasabi sa takdang oras na wala silang maipadadalang tao.
- Latest