4 tiklo sa P1.3B shabu
MANILA, Philippines - Apat katao ang dinakip ng otoridad matapos na madiskubre ang 272 kilo ng shabu sa loob ng kanilang sasakyan sa Marina Bay area, Parañaque City kahapon.
Ayon kay Atty. Roque Merdeguia, spokesperson ng Philippine National Police-Anti-Illegal-Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) dakong ala-1:00 ng hapon ay isang impormante ang nag-tip sa kanila na isang silver Mitsubishi Adventure (WVI 579) mula sa Parañaque ay magdedeliber ng illegal drugs sa Cavite.
Kaya naman sinundan ng PNP-AIDSOTF ang sasakyan at nang siyaÂsatin ay may karga itong anim na box na kahoy na naglalaman ng 272 kilo ng shabu na aabot sa halagang P1.3 bilyon at naaresto ang apat na suspek.
Kinilala ang apat na suspek batay sa nakuhang ID sa kanila na sina RoÂbert Tan, Oliver Tan, Mark Jun San GabÂriel at Felino Lopez.
Ayon naman kay RoÂbert na binayaran sila ng P70,000 upang kunin ang mga kahon mula sa Sentosa at ibibiyahe sana nila sa Cavite nang maaresto sila.
- Latest