^

Police Metro

Noy walang balak gayahin si Gloria

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ay ‘nag-Iam sorry’ dahil sa pakikipag-usap niya kay Comelec Commissioner Virgilio Garcillano upang alamin ang boto nito sa Mindanao noong 2004 elections ay walang plano na gayahin ito ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., at wala anyang dahilan upang humingi ng sorry sa publiko si Pangulong Aquino matapos nitong aminin na kinausap niya ang mga senator-judges sa kasagsagan ng impeachment trial noon ni Chief Justice Renato Corona.

Magugunitang inamin ni Pangulong Aquino na kinausap niya sina Sens. Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Sen. TG Guingona at  Ralph Recto sa kasagsagan ng impeachment trial ni Corona sa Senado.

Ayon kay Sec. Coloma, kinausap lamang ng Pa­ngulo ang senator-judges upang kumpirmahin ang intelligence report na mayroong interest group na gumagapang sa kanila upang iabswelto si Corona.

Mismong si Pangulong Aquino ang nagsabing hindi niya ginamitan ng pressure ang mga mambabatas kundi pinakiusapan lamang niya itong bumoto ayon sa merito ng kaso. Aniya, hindi naman labag sa batas ang kanyang ginawa at lalong hindi krimen ang pakikipag-usap ng Pangulo sa mambabatas dahil siya naman ang pinakamataas na lider ng bansa.

Una nang iginiit ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na dapat lamang humingi ng public apology si P-Noy sa publiko tulad ng ginawa noon ni Mrs. Arroyo.

vuukle comment

BAYAN MUNA REP

BONG REVILLA

CARLOS ZARATE

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HERMINIO COLOMA JR.

JINGGOY ESTRADA

MRS. ARROYO

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with