^

Police Metro

Comelec employees gumagamit ng shabu?

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ikinanta ng isa sa 20 naarestong suspek sa isinagawang drug raid kahapon ng madaling-araw sa Intramuros, Maynila na may ilang kawani ng Commission on Elections (Comelec) ang umano’y gumagamit ng shabu.

Nagsagawa ng drug operation ang mga ele­mento ng Manila Police District Station 5 at  20 suspek sa Barangay 654, Zone 29, Legaspi St., Intramuros ang nadakip.

Nakumpiska sa mga suspek ang mga sachet ng shabu, drug paraphernalias, cell phones, gambling machines at pera.

Isang naaresto na kinilalang si Butch Navarro, ang nagsabi na may mga buyers sila mula sa mga kawani ng Comelec, TESDA at mga government offices na nasa  Intramuros.

Ayon naman kay Barangay Chairman Juvy Fuentes na ang mga naarestong suspek ay hindi residente ng barangay at walang anumang illegal na aktibidades.

Sinabi naman ni Supt. Alex Yanquiling, MPD Station 5 commander, na karamihan sa mga  suspek ay mula sa iba’t ibang barangay na nagsusuplay ng droga sa Barangay 654.

ALEX YANQUILING

AYON

BARANGAY CHAIRMAN JUVY FUENTES

BUTCH NAVARRO

COMELEC

INTRAMUROS

LEGASPI ST.

MANILA POLICE DISTRICT STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with