^

Police Metro

3 katao nilamon ng lupa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong katao ang nalibing nang buhay kabilang ang isang 9-anyos na batang lalaki matapos na matabunan ng lupa mula sa gumuhong bundok sa magkakahiwalay na landslide dulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa lalawigan ng Agusan del Sur  kamakalawa.

Sa ulat, kinilala ang unang biktima na si Ceferino Garcia, 62-anyos ng Purok Loring Bentilasion, Sitio Tinago, Brgy. Sta. Cruz, Rosario  ng lalawigan.

Batay sa ulat, bandang alas-7:30 ng umaga nang matabunan ng lupa mula sa gumuhong bundok si Garcia nang tangkain nitong iligtas ang anak na lalaki na nagmimina ng ginto sa bulubunduking bahagi  ng nasabing lugar.

Ang ikalawang insidente ay naganap dakong alas-9:00 ng umaga nang matabunan din si Isagani Depillo, biyudo, 32,  ng Brgy. Sta. Cruz, Rosario ng lalawigan habang nagmimina rin ng ginto.

Nasawi rin ang 9-anyos na si Dominick Hatico nang matabunan ng gumuhong bundok ang kanilang bahay sa Brgy. Tinago, Bunawan ng nabanggit na probinsya habang ito ay mahimbing na natutulog.

Ang Agusan del Sur ay kabilang sa mga lalawigan sa CARAGA Region na nakakaranas pa rin ng malalakas na pag-ulan sanhi ng pana-nalasa ng low pressure area (LPA).

AGUSAN

ANG AGUSAN

BATAY

BRGY

CEFERINO GARCIA

CRUZ

DOMINICK HATICO

ISAGANI DEPILLO

PUROK LORING BENTILASION

SITIO TINAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with