P-Noy dapat mag-sorry
MANILA, Philippines - Hiniling ng isang solon kay Pangulong Noynoy Aquino na dapat itong mag-sorry dahil sa umanoy pang-iimpluwensiya nito sa mga Senator Judges noong Corona impeachment trial.
Ito ang sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at malaking pagkakamali anya ang ginawa ng Pangulo na kausapin si Sen. Bong Revilla kapalit ng pagbalato na patalsikin sa pwesto si Chief Justice Renato Corona.
Kayat anya ay dapat na mag-sorry ang Pangulo sa publiko sa ginawa nitong aksyon na maituturing “inpropriety†at labag sa anti-graft and corrupt practices act lalo pa at inamin nito na ng palasyo na personal na hinarap ni Aquino si Revilla kasama si Budget Secretary Butch Abad at DILG Secretary Mar Roxas.
Iginiit ni Zarate na walang pagkakaiba ang ginawa ni Pangulong Aquino sa pagtawag ni dating Pangulo at na ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo kay dating Comelec Commissioner Virgilio Garciliano ng kumustahin nito ang kanyang boto sa Mindanao.
- Latest