Magpinsan niratrat sa kasalan
MANILA, Philippines - Nabahiran ng dugo ang isang masayang handaan sa kasalan matapos na pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang isang magpinsan sa Zamboanga City kamakalawa ng gabi.
Nasawi ang biktimang si Naz Mohammad Salvin, dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Habang nilalapatan ng lunas sa Zamboanga City Medical Center ang pinsan nitong si Mohammad Adil Lao.
Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi ay masayang nagkakainan sa handaan sa kasal ang kaanak ng mga biktima nang sumulpot ang isang motorsiklo na kinaÂlululanan ng mga suspek at pagbabarilin ang mga ito.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang maisakatuparan ang kanilang target.
- Latest