^

Police Metro

Mexican drug cartel sa Pinas ikinaalarma ng US delegation

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos na pasukin ng notoryus na sindikato ng Sinaloa Mexican drug cartel ang Pilipinas ay naalarma kahapon ang delegasyon ng Amerika.

Sa pagbisita sa Camp Crame ay ibinulgar ni ret. Lt. Eric Quema, consultant sa  San Francisco Police Department  sa Estados Unidos na hindi lamang basta sindikato ng droga ang Sinaloa Mexican drug cartel kundi mga berdugo rin ang mga ito.

Sangkot ang mga ito pamumugot ng ulo ang nasabing drug syndicates  sa mga opisyal ng gobyerno sa Mexico na nagi­ging balakid sa kanilang  talamak na operasyon ng droga.

Sinabi ni Quema, pinuno ng miyembro ng Filipino-American Law Enforcement Officers Association na bumisita sa PNP Headquarters sa Camp Crame na handa silang makipagpalitan ng impormasyon sa  pambansang pulisya para sa ikasusupil ng Mexican drug cartels.

Inihayag ni Quema na nabatid niya na may presensya ang Mexican drug cartels sa Pilipinas matapos ang isinagawang raid ng mga otoridad sa Lipa City, Batangas noong Disyembre 24, 2013 kung saan tatlong miyembro ng sindikato ang naaresto at nakasamsam din ng mahigit P 400M halaga ng illegal na droga sa raid sa isang rancho sa nasabing lungsod.

 

CAMP CRAME

ERIC QUEMA

ESTADOS UNIDOS

FILIPINO-AMERICAN LAW ENFORCEMENT OFFICERS ASSOCIATION

LIPA CITY

PILIPINAS

QUEMA

SAN FRANCISCO POLICE DEPARTMENT

SINALOA MEXICAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with