^

Police Metro

Abesamis nahalal na bagong pangulo ng liga ng mga Barangay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nahalal ng bagong pangulo ng Liga ng mga Barangay  sa Pilipinas si Atty. Admund Abesamis ng Nueva Ecija.

Sa pagkakahalal ni Abesamis ay tiyak na magiging aktibo, progresibo at result oriented ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas.

Siniguro ni Abesamis sa 42,000 barangay sa buong bansa na lalo pa niyang patatatagin at isusulong ang koordinasyon sa pagitan ng pamahalaan nasyonal at mga lider barangay sa buong Pilipinas.

Sinabi rin ni Abesamis, kanyang ilalapit sa Malakanyang at Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatupad ng lahat ng benepisyo sa barangayan na isinasaad sa Local Government Code ng bansa.

“Bilang puno ng barangayan sa bansa ay isusulong ko ang aking number 1 agenda at ito ay ang maging ka-bahagi at ka-partner ng gobyernong nasyonal ang 42,000 barangay sa ‘Pinas” ani Abesamis.

Naniniwala si Abesamis na ang partisipasyon ng barangayan sa lahat ng proyekto ng pamahalaan ay siyang susi upang ganap na maramdaman ng tao ang pagkalinga ng gobyerno. 

Hangad din  ng anak ni dating Supreme Court administrator at dating Court of Appeal Justice Bernardo Padilla Abesamis, na mapag-isa ang barangayan sa buong bansa lalo na sa aspeto sa pakikibaka sa kalamidad na dumarating sa bansa.

 

vuukle comment

ABESAMIS

ADMUND ABESAMIS

BILANG

COURT OF APPEAL JUSTICE BERNARDO PADILLA ABESAMIS

LIGA

LOCAL GOVERNMENT CODE

NUEVA ECIJA

PILIPINAS

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with