Suhulan sa BOC sa rice smuggling, kakalkalin
MANILA, Philippines - Inihayag ni Senator Cynthia Villar na isasama ng kanyang komite sa gagawing imbestigasyon sa Enero 22 ang sinasabing suhulan sa Bureau of Customs (BOC) kaya talamak pa rin ang rice smuggling sa bansa.
Ayon kay Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food, tuloy ang imbestigasyon ng kanyang komite tungkol sa rice smuggling sa bansa kung saan pagtutuunan ng pansin ang diuamo’y sabwatan at suhulan na kinasasangkutan ng ilang tiwaling opisyal ng BOC.
Kabilang sa mga inaasahang dadalo sa pagdinig na gagawin sa Senate session hall ay sina Agriculture Sec. Proceso Alcala, Finance Sec. Cesar Purisima, Trade Sec. Gregory Domingo, Justice Sec. Leila de Lima, Customs Commissioner John Philip Sevilla, Ombudsman Conchita Morales, National Food Authority (NFA) Adm. Orlan Calayag, Securities at Exchange Commission Chairperson Teresita Herbosa, Davidson Tan Bangayan at iba pang stakeholders sa negosyo ng bigas sa bansa.
Sinabi ni Villar na kailangan din nilang malaman kung naipatutupad ang committee recommendations sa ilalim ng Committee Report 763 noong ika 15th Congress ukol sa rice smuggling sa Subic Bay Free Port Zone at Port of Legazpi, Albay at ang NFA-Private Sector Financed Importation Program.
Nauna ng sinabi ni Villar sa kanilang pagdinig noong Nobyembre 18, 2013 na dinaluhan nina Alcala at ni daÂting Customs Chief Ruffy Biazon, na napagkasunduan nilang gawing ‘transparent†ang importation process sa pamamagitan ng pagpapakita sa publiko ng “documents of shipments†bago makarating sa Philippine ports ang mga inaangkat na bigas.
- Latest