Ex-Marine nagpapasaklolo sa CHR
MANILA, Philippines - Isang dating Marine sergeant ang humihingi ng tulong sa Commission on Human Rights (CHR) dahil sa umano’y pangto-torture sa kanya ng grupo ng mga lalaki sa pangunguna ng isang kapitan ng barangay sa Hacienda Dolores sa Porac, Pampanga.
Humiling si Ex-Marine sergeant Larry Sabado, empleyado ng Arsenal Security Agency, kay CHR commissioner Loretta Ann Rosales na imbestigahan ang kaso ng pagdukot umano sa kanya at pag-torture ng mga miyembro ng Aniban ng Nagkakaisang Magsasaka ng Hacienda Dolores sa pangunguna ni Barangay Chairman Antonio Tolentino.
Kasalukuyang nagpapagaling pa sa isang pagamutan si Sabado makaraan itong makaranas ng pambubugbog, pamamalo ng baril, at iba pang karahasan habang nasa kamay ng mga miyembro ng Aniban kung saan upang makatakas ay nagpanggap siyang patay.
“I overheard them while discussing outside where they will bury me. While they were plotting my summary execution my survival instincts led me to struggle to stand up and crawled towards the window and slowly make my escape unnoticed,†saad nito.
Magugunita na noong Enero 14, sinalakay ng mga miyembro ng Aniban na armado ng M14 at M16 rifles, shotguns, pistols at bolo ang outpost ng security agency sa Sitio Balukbok at nagkapalitan ng putok at dito ay nabihag si Sabado.
- Latest