Pagkuha ng NBI clearance bahagyang bumilis
MANILA, Philippines - Upang mapabilis ang pagbibigay ng National Bureau of Investigation (NBI) ng clearance ay nagdagdag ang Deparment of Justice ng mga computer.
Kaya naman ay bahagyang umikli at naging mabilis ang pagkuha ng clearance hindi lamang sa main office nito kundi maging sa buong bansa.
Magugunita na itinalaga bilang bagong director ng NBI si Atty. Virgilio Mendez na agad na humanap ng solusyon upang matapos na ang kalbaryo ng mga kumukuha ng clearance.
Matatandaang sinabi ni Mendez, na kabilang sa magiging prayoridad nito ang mabilis na pag-release ng NBI clearance upang maiwasan ang sobrang haba ng pila maging sa iba pang mga tanggapan sa buong bansa.
Tiniyak ni Mendez na magiging maayos na ang sistema kung saan plano pa rin nilang dagdagan ang computer.
- Latest