^

Police Metro

113 bahay sa Jolo winasak ng storm surge

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Winasak ng storm surge o daluyong ng dambuhalang alon ang may 113 kabahayan habang nasa mahigit 1,000 katao mula sa limang barangay na nakatira malapit sa baybaying dagat sa Jolo, Sulu.

Agad na kumilos ang 2nd Marine Brigade at Task Force Sulu upang tulungan na ilikas ang mga apektadong residente sa evacuation centers.

Sa ulat, nagsimula ang storm surge na nasa  10-20 metro ang taas ng tubig dagat noong Enero 11 sa Brgy. Busbus, Jolo, Sulu  kung saan 14 kabahayan ang nawasak at 14 pa­milya naman ang inilikas na nasundan pa hanggang kahapon.

Tinamaan din ng storm surge ang mga residente sa  Brgy. Tulay at dito ay  41 kabahayan ang nawasak at  150 pamilya ang apektado.

Nangyari rin ang storm surge  sa Chinese pier sa Jolo, Sulu na nagresulta naman sa pagkawasak ng  57 kabahayan habang nasa  70 pamilya naman ang nagsilikas.

Isang bahay din ang nawasak sa Brgy. Takut  Takut at isang pamilya rin ang apektado.

vuukle comment

BRGY

BUSBUS

ENERO

ISANG

JOLO

MARINE BRIGADE

TAKUT

TASK FORCE SULU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with