^

Police Metro

5 holdaper nadakip sa text

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadakip sa pamamagitan ng text messa­ges ang apat na holdaper nang sila ay tinext ng isa nilang kasamahan na unang naaresto ng pu­lisya matapos magsagawa nang panghuholdap sa mga pasahero ng jeep kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Joven Pantropes, 25; Resty Hopio, 23; Ehzier Fotuna 36; Jill Ryan Ibardaloza, 35; at Michael Dela Cruz 30.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:20 ng hapon nang holda­pin ng mga suspek ang mga pasahero ng jeep sa kahabaan ng West Avenue, Brgy.West Triangle ng lungsod at isa sa biktima ay si PO1 Liberato Antang ng Special Action Force (SAF) sa Canlubang, Laguna.

Matapos na maholdap ay nakanya-kanya nang hiwalay ang mga suspek at dito ay nagpasya si PO1 Antang na habulin ang mga suspek na  kung saan ay naaresto  si Pantropes.

Sa presinto ay inutusan ng mga pulis si Pantropes na i-text ang mga kasama kung saan magkikita upang paghatian ang kanilang mga nakulimbat.

Nang sumagot ang mga kasamahan ni Pantropes ay nagsagawa nang pagsalakay ang mga pulis sa kuta ng mga kasama na nasa South Homes Apartelle sa Timog Ave­nue at naaresto ang apat pa habang nakatakas ang lider nila na si alyas Kuya.

Narekober sa mga suspek ang dalawang kut­silyo, apat na cellphone at ang pitaka ng biktimang pulis na nag­lalaman ng 7 libong piso, mga drug paraphernalia at mga bag ng babae na wala ng laman na galing daw sa huli nilang mga nabiktima noong Sabado.

 

EHZIER FOTUNA

JILL RYAN IBARDALOZA

JOVEN PANTROPES

LIBERATO ANTANG

MICHAEL DELA CRUZ

PANTROPES

QUEZON CITY

RESTY HOPIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with