^

Police Metro

Pulis utas sa rider

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng isang suspek na sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay naglilinis ng kanyang sasakyan sa labas ng kanyang bahay sa Novaliches, Quezon City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si SPO1 Miguel Guyagoy Jr, 55, nakatalaga sa follow-up section ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches station.

Ayon kay QCPD Novaliches Station commander Supt. Norberto Babagay, dead-on-the-spot ang biktima dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan.

Isang lalaki ang natukoy na salarin sa nasabing krimen na mabilis na tumakas makaraan ang insidente na nangyari ganap na alas-10:00 ng umaga sa labas ng bahay ng biktima sa Ibon Pilak Street,  Sitio Aguardiente, Barangay Sta. Monica Novaliches.

Sinabi ni Supt. Babagay, posible umanong drug pusher ang pumatay o nagpapatay sa biktima dahil mahigpit ang nasabing pulis sa mga gumagamit ng droga sa kanilang lugar.

Naglilinis ng kanyang Tamaraw FX ang biktima sa harap ng kanilang tahanan nang dumating ang suspek sakay ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.

Ayon sa asawa ng biktima, narinig niya ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa labas ng kanilang tahanan at paglabas nito ay nakita na niyang duguang nakasubsub ang kanyang mister.

Ilang buwan bago maganap ang krimen ay pinaala­hanan umano ng isang kaibigan ang biktima na mag-ingat dahil marami umanong nagbabanta sa kanyang buhay na kanyang nasasagasaan na mga drug pusher.

Narekober sa crime scene ang 10 basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril. Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BARANGAY STA

BIKTIMA

IBON PILAK STREET

MIGUEL GUYAGOY JR

MONICA NOVALICHES

NORBERTO BABAGAY

NOVALICHES

NOVALICHES STATION

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with