^

Police Metro

Manyakis dedo sa shotgun

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sabog ang katawan ng isang 28-anyos na la­laki nang ito ay barilin ng shotgun ng lover ng isang ginang na tangka nitong halayin kamakalawa ng gabi sa Purok Tres, Brgy. Muyo, Buug, Zamboanga Sibugay.

Namatay noon din ang biktima na kinila­lang si Gary Arpal dahil sa tinamong mga tama ng bala ng shotgun sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tumakas naman ang suspek na si James Fajar­do alyas Langlang, 26, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, bandang alas-7:45 ng gabi ay pinasok ng suspek ang bahay ng maglive-in sa Purok Tres, Brgy. Muyo, Buug ng lalawigan at tinangkang molestiyahin nito si Neneth Alarao.

Nang sunggaban ng suspek ang nasabing ginang ay nagsisigaw ito sa paghingi ng saklolo kung saan ay tinakpan naman ng manyakis ang bibig nito habang uumpisahan na sanang halayin.

Biglang dumating ang suspek na sa ma­tinding galit ay sinigawan ang manyakis na lumabas sa kanilang bahay, subalit habang palabas sa kanilang bakuran ay pinagbabaril ito.

vuukle comment

BIGLANG

BRGY

BUUG

GARY ARPAL

JAMES FAJAR

MUYO

NENETH ALARAO

PUROK TRES

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with