^

Police Metro

Planong fishing permit ng China sa WPS, pinalagan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pumalag ang pamahalaan sa plano ng China na palakasin ang puwersa nila sa pamamagitan  ng pagpapatupad ng “fishing permit” sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Department of National Defense (DND)  Spokesman  Dr. Reuben Peter Paul Galvez, handa ang pamahalaan na ipaglaban at protektahan ang yamang dagat sa hurisdiksyong nasasakupan ng 200 milyang Exlusive Economic Zone (EEZ )  ng  bansa na ang tinutukoy ay ang Spratly Islands sa Palawan at Scarborough Shoal sa Masinloc, Zambales.

Batay sa ulat, pinaplano ng China na magdagdag pa ng puwersa nito sa West Philippine Sea para obligahin ang mga dayuhang mangingisda na kumuha muna ng permiso sa Beijing bago mangisda sa pinagtatalunang teritoryo.

Nilinaw naman ni Galvez na nagsasagawa pa ng beripikasyon ang Defense Department sa napaulat na panibagong plano ng China.

Bukod sa Pilipinas kabilang pa sa mga bansang nag-aagawan sa pag-aangkin sa West Philippine Sea   ay ang Taiwan, Vietnam, Brunei, Malaysia kung saan pinakamapangahas ang China.

Magugunita na nagpatupad ang China ng Air  Defense Identification Zone (ADIZ)  noong Nobyembre 2013 sa East China Sea na sumasaklaw rin sa hangganan ng Japan at South Korea na kung saan ay umani ng mga pagbatikos  mula sa Estados Unidos  at iba pang bansa.

DEFENSE DEPARTMENT

DEFENSE IDENTIFICATION ZONE

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

DR. REUBEN PETER PAUL GALVEZ

EAST CHINA SEA

ESTADOS UNIDOS

EXLUSIVE ECONOMIC ZONE

SCARBOROUGH SHOAL

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with