P15 dagdag sahod sa NCR workers

MANILA, Philippines - Isama sa minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Metro Manila ang P15 na bahagi ng umiiral na P30 cost of living allowance (COLA).

Ito ang iniutos ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil ang P15 na pagtaas sa sahod ay bahagi ng COLA ay nagkabisa simula Enero 1, 2014.

Alinsunod na rin ito sa NCR Wage Order No. 18 noong Oktubre 2013 na nagtatakda ng P10 umento sa minimum wage at ang pag-integrate sa basic pay ng P15 ng kasalukuyang umiiral na P30 COLA.

Inihayag ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz, ang minimum wage rate para sa mga manggagawa sa pribadong sektor ay nasa P466 ay ang basic pay at P15 dito ay COLA.

Ang bagong wage rate ay ipatutupad para sa lahat ng mga minimum wage workers sa NCR, anuman ang kanilang posisyon o employment status.

Nilinaw ng DOLE, hindi sakop ng bagong wage rate ang mga kasambahay at mga manggagawa na nagbibigay ng personal service gaya ng family driver pati na ang mga mangggagawa sa mga rehistradong Barangay Metro Business Enterprises na may Certificates of Authority.

Show comments