MANILA, Philippines - Nagbabala si Heath Assistant Secretary Dr. Eric Tayag na posible anÂyang kumalat ang sakit na tigdas sa isasagawang prusisyon ng Pista ng Itim na Nazareno ngayong araw na inaasahang aabot sa 9 hanggang 12 milyon ang deboto ang sasama sa Traslacion.
Ayon kay Tayag, hindi maiwasang makisama ang ilang mga deboto na may tigdas lalo na yaong mga naniniwala sa milagÂro ng Poon dahil sa may isang lugar sa Quiapo ang nakapagtala na ng tigdas outbreak.
Nananawagan din ang ahensiya sa mga magulang na kung maaari ay huwag na lamang isama ang mga bata na may tigdas dahil mabilis umanong nakakahawa ito.